Manila, Philippines – Hindi pumayag ang Department of Justice (DOJ) na bumiyahe sa abroad si Senador Antonio Trillanes IV.
Sa kanilang komento sa Makati Regional Trial Court Branch 150, ipinunto ng panel of prosecutors ng DOJ na nananatiling flight risk si Trillanes.
Hindi lang anila kasi kasong rebelyon ang kinakaharap ng senador dahil may mga kaso pa ito sa iba’t-ibang korte sa ilang lungsod.
Dahil nakapagsumite na ng komento ang DOJ kahapon, submitted for resolution na ang mosyon ni Trillanes na humihirit na payagan siyang makabiyahe sa Europe mula December 11 hanggang January 2019 at sa Amerika naman sa January 2019 hanggang Pebrero.
Facebook Comments