TUTOL | Kahilingan ng Meralco na ituring na EPNS ang kasunduan nito sa Atimonan One, kinontra

Manila, Philippines – Tinawag ni dating Bayan Muna Representative Neri Colminares na isang panlilinlang sa taumbayan ang kahilingan ng Meralco sa Department of Energy (DOE) na ituring na ‘Energy Project of National Significance ang kasunduan nito sa Atimonan One.

Nagbabala si Colminares na kapag itinuring ng DOE ang naturang kasunduan bilang EPNS ay mapapalusot ito sa loob lamang ng 30 araw dahil hindi na dadaan sa masusing proseso tulad ng bidding ang tinatawag nilang ‘sweetheart deal’.

Binigyan diin ni Colmenares na wala aniyang idudulot na mabuti sa taumbayan ang nais na pasukin na kasunduan ng Meralco dahil umano ay pag-aari din nito ang kompanya na Atimonan One Energy Inc.


Aniya, asahan na tataas ang singil sa konsumo ng kuryente ng P5.66 per kilowatt-hour, o P2/kwh na mas mahal kung ihahambing sa rate na idineklara ng Meralco at Atimonan One sa kanilang PSA application.

Dahil dito, hinikayat ng grupo ang mga consumer na bantayan ang kahilingan ng Meralco na ideklarang EPNS ang nasabing kasunduan.

Facebook Comments