Quezon City – Itinuloy ngayong araw ang demolisyon ng may 39 na kabahayan sa Pag-asa Compound sa Barangay Old Balara Quezon City.
Armado ng mga bareta at maso, isa-isang giniba ng demolition team ang mga kabahayan.
Nakakalat naman sa paligid ang mga tauhan ng QCPD para magpanatili ng seguridad.
Umalma naman ang mga residente dahil wala man lamang abiso at relokasyon sa mga apektadong residente.
Ayon kay Infante, Pangulo ng Pag-asa Home Owners Association ,kasalukuyan pang dinidinig sa korte ang isyu ng pagmamay-ari ng lupa kung kaya at hindi pa dapat magkaroon ng demolisyon.
Ang kontrobersyal na lote ay pag aari umano ng MWSS at ipinaupa lamang ito sa Pag-asa.
Kinukuha na ito ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa kanilang expansion project.
Ngayong nagpaso na ang 25 year contract, problemado na ang mga tauhan ng ahensya kung saan sila lilipat ng paninirahan.