TUTOL | Pagbuo ng death squad kontra NPA, kinontra

Tinuligsa ng Commission on Human Rights (CHR) ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng death squad na lalaban ang sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay CHR Chairperson Chito Gascon – ang pagbuo ng death squads ay hindi pinapayagan sa ilalim ng international humanitarian law.

Nakasaad aniya sa batas na pinayagan lamang ang isang estado na gumamit ng armed forces sa ilalim ng istriktong military discipline.


Ang pagprotekta sa mamamayan mula sa lawless violence ay dapat naaayon sa rules of engagement at due process.

Facebook Comments