Manila, Philippines – Naniniwala ang isang recruitment agency opisyal na hindi makatarungan ang ginagawang pagsasara ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa MLL Recruitment Agency.
Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni President and General Manager MLL Amanda Araneta nais lamang nitong linawin ang pinagsasabi ni Labor Secretary Silvestre Bello sa media na walang katotohanan.
Paliwanag ni Araneta na pinasara ng DOLE ang naturang recruitment agency ng hindi pinag-aaralan ang kaso at walang katarungan umano ang ginagawa ni Bello dahil nagsumite na sila ng Motion for Reconsideration (MR) para maibalik ang lisensiya pero binabalewala pa rin ng kalihim.
Dagdag pa ni Araneta na naging maingay lamang siya dahil sa pagba-ban sa bansang Kuwait na hindi nagustuhan ni Bello ang kanyang mga pahayag na pagtutol sa plano ng pagsuspinde ng DOLE sa mga OFW na pinapaalis patungong Kuwait.
Giit nito na napagbintangan lamang na siya ay isa sa nagpopondo para mapaalis ang kalihim sa DOLE.
Mayroon aniya mahigit 400 na empleyado ang kanyang opisina at mahigit 28 libo na ang napapaalis patungong sa ibang bansa kung saan mayroon silan 32 branches nationwide na legal na nag operate na recruitment agency.