TUTOL | Pagtaas sa buwis na ipinapataw sa educational institutions, hindi papayagan

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na aalisin nila kung meron mang probisyon sa ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2 na magtataas sa buwis na ipinapataw sa mga educational institutions.

Ginawa ni Sotto ang pahayag kasunod ng balitang itataas ng TRAIN 2 sa 25-percent mula sa kasalukuyan 10-percent ang buwis na sinisingil mula sa mga Educational Institutions.

Ayon kay sotto, ang tangi lang niyang sinusuportahan sa panukalang TRAIN 2 ay ang pagpapababa sa corporate income tax na pakikinabangan ng small and medium enterprises.


Suportado din ni Sotto, ang rationalization ng tax incentives na ipinagkakaloob sa mga malalaking negosyante.

Nauna ng ibinabala ni Senador Bam Aquino na magdudulot ito ng pagtaas sa matrikula at iba pang bayarin sa pag-aaral.

Diin naman ni Committee on Ways and Means Chairman Senator Sonny Angara, hindi makatwirang itaas ngayon ang buwis sa mga paaralan, eskwelahan at utilities gaya ng local water districts.

Katwiran ni Angara, magiging matindi itong pabigat sa publiko na pumapasan na sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments