Umalma sina Kabataan Representative Sarah Elago at Bayan Muna Representative Carlos Zarate sa pagkakatalaga kay Army Chief Lieutenant General Roland Jose Bautista na bagong NFA Administrator sa oras na magretiro na ito sa serbisyo.
Iginiit ni Elago na napaka-kritikal na posisyon ang pagiging NFA Administrator para sa pagtiyak ng food security.
Naniniwala si Elago na hindi dapat na ipinauubaya sa isang sundalo ang problema sa bigas ng bansa dahil baka lalo lamang lumala ito.
Karaniwan aniyang kalaban ng mga magsasaka at katutubo sa kanayunan dahil ang mga ito ang utak ng militarisasyon at food blockade sa mga lalawigan dahil ginagamit ng mga ito na instrumento ang gutom laban sa mga inaakalang kakampi ng kalaban ng estado.
Sinabi pa nito na hindi opisyal kundi polisiya ang dapat na palitan sa NFA tulad ng pagtataas ng buying price ng ahensya para makapamili ng mas maraming ani ng mga magsasaka.
Dagdag naman dito ni Zarate, unti-unti nang ginagawa ang militarisasyon sa burukrasya para magkaroon ng kontrol sa mga ahensya ng pamahalaan.