TUTOL | Plano ng mga mambabatas na taasan ang taripa pinalagan ng mga magsasaka at mangingisda

Manila, Philippines – Umalma ang mga magsasaka at mangingisda sa plano ng mga mambabatas na tanggalin ang taripa sa fishery at agriculture products partikular sa karne ng manok, baboy at isda.

Ayon kay Agricultural Sector Alliance of the Philippines President Nicanor Briones na nababahala sila sa planong pag-aalis ng taripa sa karne at isda dahil posibleng babagsak ang agricultural products dahil malaking kalugihan sa mga magsasaka at mangingisda ang naturang panukala.

Paliwanag ni Briones na ang food security ng bansa ang nakasalalay dito dahil kapag bumagsak ang mga mangingisda at magsasaka tiyak apektado ang taongbayan dito.


Giit ni Briones na ang makikinabang lamang dito ay ang mga importers at traders kapag itinuloy ang planong pag-aalis ng taripa sa mga karne at isda.

Mungkahi ni Briones na dapat alisan ng taripa ay ang produkto ng langis at kuryente pero pansamantala lamang habang mataas pa ang inflation at holiday season.

Plano ngayon ng agap na gagawa ng resolusyon na aapela sa mga mambabatas na huwag ituloy ang naturang panukala dahil tiyak magkakaroon ng food shortage sa bansa.

Facebook Comments