Manila, Philippines – Mariing kinontra nina Senators Win Gatchalian at Gringo Honasan ang planong pagsasubliko ng listahan ng mga politikong sangkot umano sa operasyon ng ilegal na droga para maging gabay ng mga botante sa 2019 elections.
Paliwanag ni Gatchalian, posibleng malagay sa panganib at hindi patas na paghusga ang sinumang nasa narco-list na hindi validated at hindi suportado ng ebidensya.
Giit ni Gatchalian, makabubuting sampahan muna ng criminal at administrative cases ang mga politiko na sinasabing may kaugnayan sa ilegal drug trade at hindi karapat-dapat sa public office.
Katwiran naman ni Honasan, ang paglalabas ng narco-list na hindi beripikado at suportado ng ebidensya ay salungat sa itinatakdang proteksyon ng konstitusyon sa buhay, kalayaan at danggal ng sinuman.
Diin pa ni Honasan, base sa kanyang naranasan, ay napakasakit, lalo na sa kanyang pamilya, na agad mahusgahan ng publiko dahil sa mali maling mga impormasyon.