Manila, Philippines – Bukas si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa mungkahing bawasan ang taripang ipinapataw sa mga corn import bilang hakbang sa pagpapababa ng production cost ng livestock at poultry sector.
Layunin din kasi ng pagpapababa ng production cost ng livestock at poultry sector ay mabawasan din ang presyo ng karne sa mga palengke.
Pero nanindigan si Piñol na bawasan lang at hindi gawing “zero” ang taripa para sa corn importation.
Ayon kay Piñol, papayag siyang bawasan ang taripa para sa mais kung ang revenue na makokolekta ay mapupunta sa funding katulad ng sa proposed rice competitiveness enhancement fund.
Ipinunto pa ng kalihim, gagamitin lamang ang tariff collection sa pagpapabuti ng productivity ng corn sector.
Facebook Comments