TUTOL | Sen. Gatchalian, nagbabala laban sa muling paggamit ng Euro 2 diesel

Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang kautusan ng Department of Energy (DOE) sa mga kompanya ng langis na muling magbenta ng Euro 2 diesel dahil mas mura ito.

Giit ni Senator Gatchalian, sa ilalim ng Clean Air Act ay hindi na pinapayagan ang paggamit ng Euro 2 diesel sapagkat marumi ito at delikado sa kalusugan.

Diin ni Gatchalian, matagal ng may umiiral na polisiya sa bansa na nagtatakda ng paggamit ng Euro 4 diesel kapalit ng Euro 2.


Sabi pa ni Gatchalian, sa katunayan ay marami sa mga tricycle at jeep ang lumipat na sa paggamit ng Euro 4 diesel.

Facebook Comments