Manila, Philippines – Iginigiit ng sugar workers na sa halip na mag angkat ang gobyerno ng dagdag 300,000 na tonelada ng asukal, mas mainam na i-divert o ibuhos sa lokal na merkado ang mga nalikhang asukal ng mga malalaking hacienda sa bansa.
Tinututulan din ng grupo ang isinusulong ng mga bioethanol companies na isama rito ang molasses para ipantapat sa sumisipang inflation rate.
Ayon kay John Milton Lozande, secretary general ng
National Federation of Sugar Workers, panahon na rin para ilagay sa price control ang asukal katulad ng iba pang basic agricultural products tulad ng bigas.
Naniniwala rin si Lozande na makakaginhawa rin ang sugar industry kung alisin ang buwis naipinapataw sa asukal sa ilalim ng TRAIN law.
Isinusulong din ng grupo na itaas ng 750 pesos ang arawang sahod ng mga sugar workers.