Manila, Philippines – Hindi papayagan ni Senator Win Gatchalian ang pagbawas sa budget ng Commission on Higher Education o CHED.
Ginawa ni Gatchalian ang pahayag makaraang ibaba sa 1.7 billion pesos para sa 2019 ang kasalukuyang 4.7-billion pesos na pondo ng CHED sa Student Financial Assistance Programs.
Kinontra din ni Gatchalian ang pagbaba sa 6.9 million pesos ng capital outlay ng CHED para sa infrastructure mula sa budget ngayong taon na 48 million pesos.
Ipinunto ni Gatchalian na hindi dapat payagan ang pagtapyas sa scholarship funds dahil salungat ito sa layunin ng Free Higher Education Law.
Giit ni Gatchalian, dapat matiyak na matutugunan ng ilalaang budget ang obligasyon na iniaatang ng konstitusyon sa estado na iprayoridad ang edukasyon.