WALANG TAKAS | Hiling na TRO ni SolGen Calida, walang legal na basehan – Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV na walang legal na basehan ang petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Kataas-Taasang Hukuman.

Si Calida ay humihiling na magbaba ng Temporary Restraining Order o TRO ang Supreme Court (SC) laban sa imbestigasyon ng Senado ukol sa security agency ng kanyang pamilya na nakakuha ng multi-milyong kontrata sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Pero diin ni Trillanes, tuloy ang imbestigasyon dahil walang immunity o proteksyon si Calida laban sa imbestigasyon ng Senado.


Banta pa ni Trillanes, kahit anong gawing pagtatago ni Calida ay malalantad pa rin sa lalong madaling panahon ang umano ay mga katiwaliang ginawa nito.

Facebook Comments