TUTOL | Transport groups, umalma sa plano ng DOTr, LTFRB

Umalma ang mga transport groups sa plano ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na baguhin ang sistema ng pagbabayad sa passenger accident insurance.

Nakapaloob sa plano na buksan sa iba’t-ibang insurance firms ang pagbabayad sa personal passenger accident insurance na umaabot sa ₱200,000 kada biktima.

Ayon kay Acto President Efren De Luna, hindi maaring baguhin ang sistema ng pagbabayad.


Pangamba naman ni Fejodap President Zenaida Maranan, baka hindi maibigay agad ng mga insurance company ang bayad.

Pag-aalma naman ni Pasang Masda President Obet Martin, sila ang maapektuhan kapag ipinatupad ang sistema.

Giit ng mga transport groups, walang problema sa kanila ang pagbabayad ng premium dahil proteksyon din ito para sa kanila.

Ang Passenger Accident Management Agency Incorporated (PAMI) at ang SSCI Management and Insurance Agency ang siyang sumasagot sa death, disability at medical treatment ng mga pasahero mula pa noong 2001.

Paglilinaw naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport Tim Orbos, plano pa lamang ang lahat at kokonsultahin ang transport groups hinggil sa usapin.

Facebook Comments