TUTUGISIN | 7 sa 10 batalyon ni-recruit ng Philippine Army kontra New People’s Army, activated na

Manila, Philippines – Gumagana na o activated na ang pito sa sampung
batalyon ni-recruit ng Philipine Army para gamitin sa operasyon laban sa
New People’s Army.

Ito ang inihayag ni Philippine Army Chief Lt. General Rolando Bautista sa
kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-121 founding anniversary ng
Philippine Army sa Philippine Army Headquarters sa Taguig City.

Aasahan naman aniyang mapapagana ang tatlo pang batalyon bago matapos ang
taong ito.


Ang pagre-recruit ng Philippine Army ng sampung batalyon ay batay sa
kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tapatan ang patuloy na
panggugulo ng teroristang NPA.

Bukod sa sampung batalyon, activated na rin ang 5th Scout Ranger Battalion
at 500th Engineer Combat Battalion.

Sinabi pa ng opisyal sa kanyang talumpati na upang mas mapataas pa ang
kaalaman at kasanayan ng bawat miyembro ng Philippine Army mahigit 700 mga
training activities at 12, 800 indibidual training programs ang kanilang
isinagawa.

Maliban pa sa mga ibinibigay na training programs at military courses ng 24
na mga bansa sa mga miyembro ng Philippine Army.

Tiniyak rin ni Bautista na patuloy ang kanilang suporta sa Anti-Drug
Campaign ng pamahalaan sa pamamagitan ito ng patuloy nilang
pakikipag-ugnayang sa PDEA at PNP.

Bilang suporta pa 28,811 ng mga miyembro ng Philippine Army ay isinailalim
sa surpresang drug test ito ay upang matiyak nilang drug free ang kanilang
organisasyon.

Facebook Comments