TUTULDUKAN | Korte para sa mga abusadong Pulis, ipinanukala ni Sen. Gordon

Manila, Philippines – Matutuldukan na ang mga pang-aabuso ng mga pulis sa mga sibilyan sa oras na maisabatas ang panukala ni Senate Committee on Justice and Human Right Chairman Richard Gordon ang Police Court Act of 2017.

Base sa Senate Bill no 1399 o mas kilala sa tawag na Police Court Act of 2017 na nasa ikalawang pagbasa na ang hahawak sa mga kasong kinasasangkutan ng mga miyembro ng PNP.

Dagdag pa ni Gordon na ang Police Court na mayroong orihinal na hurisdiksyon sa mga kasong ng issuance of writ habeas corpus kung mayroong matibay na ebidensiya na ang biktima ay nasa kustudiya ng mga miyembro ng PNP.


Paliwanag ng Senador, nakasaad din sa panukala na bumuo ng Appellate Police Court na reresolba sa lahat ng mga apela mula sa Police Court.

Dagdag pa ni Gordon na trabaho ng Korte Suprema sa ilalim ng naturang panukalang batas na magbigay periodic at tuloy tuloy na programa ng pagsasanay upang makabisado ang mga police procedure sa larangan ng rules of engagement.

Giit ni Gordon, ang naturang reporma sa ilalim ng Senate Bill 1399 ay upang maiwasan na rin ang mga kampi kampihan o kabaro system ng mga pulis at mabigyan ng agarang hustisya ang mga sibilyang naabuso ng mga pulis.

Facebook Comments