Manila, Philippines – Maliban sa pulis, tutulong na rin ang National Bureau of Investigation at Commission on Human Rights sa Central Visayas sa imbestigasyon sa pag –ambush at pagpatay ni Ronda Vice Mayor , Atty. Jonah John Ungab .
Isang team mula sa NBI-7 ang bumisita sa burol ni Ungab sa isang punerarya sa Cebu City matapos ding ihayag ni NBI 7 Regional Director Patricio Bernales na tutulong sila sa imbestigasyon.
Samantala sinabi naman ni CHR-7 Regional Director Arvin Odron na inutusan sila ng kanilang central office na magsagawa ng sariling imbistigasyon sa pagpatay ng abogado ni Kerwin Espinosa.
Ang binuong “task force Ungab” ng kapulisan patuloy na naghahanap ng mga ebidensiya para matukoy ang mga nasa likod ng krimen .
Facebook Comments