Tutulong na ang Department of Agriculture (DA) na resolbahin ang ‘oversupply’ ng kamatis sa Region 4-A o Calabarzon.
Ayon kay Arnel De Mesa, DA Regional Executive Director – magbibigay sila ng ayuda sa mga magsasaka at ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang binhi maliban sa kamatis.
Dagdag pa ni De Mesa – hindi na magbibigay ng kamatis sa ibang lugar lalo at masyado nang marami ang supply nito.
Aniya, ang Calabarzon ay kilala sa ‘pakbet’ kaya tinitingnan nila ang pagtatanim ng sitaw, kalabasa at ampalaya.
Karamihan sa mga kamatis na inaani sa bayan ng Kalayaan at Luisiana, Laguna.
Nilinaw ng DA na hindi lahat ng kamatis ay itinatapos lalo at nakikipag-coordinate ang farmers sa traders.
Facebook Comments