TUTULUNGAN | Mayor Herbert Bautista, handa kapag may sumukong NPA sa Quezon City

Quezon City – Bilang bahagi ng grupo ng gobyerno na nakikipag-usap pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army and National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP), ikinalungkot ni Mayor Herbert Bautista ang pagkakadeklara ng komunistang grupo bilang terorista.

Aniya, bilang kinatawan ng mga Local Government Units na sumama sa confidence building talks sa Oslo, Norway, nakita ni Bautista kung paano nahugisan ang mga masasalimuot na usapin.

Gayunman, dahil misong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpasiya, kinakailangang maghanda ang government para sa mga miyembro ng NPA na gustong magbalik loob sa gobyerno.


Aniya, bagamat maliit na bilang lamang ang NPA sa Quezon City, mag-aalok sila livelihood program, training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), scholarship program at lupang sasakahin para sa mga NPA members na mag su-surrender.

Pero, bilang chairman ng National Capital Region (NCR) Peace and Order Council, handa naman sila na ipagtanggol ang integridad ng estado sa sandaling may mga magmamatigas pa rin na ituloy ang giyera.

Facebook Comments