Manila, Philippines – Handang tulungan ng Kilusan sa Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon (KAPIT) ang mga Jeepney driver at operator na hindi papasa sa Tanggal Bulok-Tanggal Usok ng gobyerno.
Ayon kay Atty. Vigor Mendozan II, chairman ng KAPIT, magbibigay ang kanilang samahan ng mga programa kaugnay sa financial prospects ng modernization program ng transportasyon.
Naniniwala si Mendoza na ang transport modernization ay pagkakataon upang malutas ang kahirapan sa transport sector.
Ang KAPIT ay nagkakaloob din ng training at program module tulad ng managerial, proper driving, conductor at mga rehabilitation good habits alinsunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng DOTr at LTO.
Facebook Comments