TUTULUNGAN | Pagtulong sa mga minerong mawawalan ng trabaho sa CAR, kayang kaya ng pamahalaan – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na ipaparehas ng Pamahalaan sa Boracay Island ang gagawin nitong rehabilitasyon sa Cordillera Administrative Region at para matulungan ang mga mawawalan ng trabaho na epekto ng pagpapasara ng mga maliliit na minahan doon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, alam na ng Department of Social Welfare and Development ang gagawing sistema kaya hindi na ito mahihirapan para tumulong sa mga mawawalan ng trabaho.

Hindi naman masabi ni Roque kung hanggang kailan ipatutupad ni Environment Secretary Roy Cimatu ang moratorium sa small scame mining operations sa CAR.


Sinabi ni Roque na ang mahalaga ay walang mining operations para mabigyan ng pagkakataon ang cordillera mountains na makabawi matapos ang maraming taong pinsala mula sa pagmimina.
Tiniyak ni Roque na susuportahan ng Gobyerno ang mga mawawalan ng hanapbuhay sa pamamagitan ng cash for work program kung saan kabilang sa alok na trabaho ng gobyerno sa mga minero ay ang vegetable farming o pagtatanim ng punongkahoy, na makatutulong din para maging stable ang lupa sa mga bulubundukin ng Cordillera.

Sa ngayon ay kinukuha na ng dswd ang mga pangalan ng mga apektadong small scale miners para maisali sa cash for work program at emergency employment program ng gobyerno.

Facebook Comments