TUTULUNGAN | PNP, tiniyak na susuporta sa NHA kontra sa mga kadamay na umuukopa sa mga pabahay ng gobyerno

Manila, Philippines – Tutulungan ng Philippine National Police ang National Housing Authority para protektahan ang mga pabahay ng gobyerno sa tatangkaing pasukin o okupahin ng grupong kadamay.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde mahaharap sa kasong trespassing ang sinumang manghihimasok sa isang ari-arian ng walang permiso mula sa may ari.

Sinabi ni Albayalde na hindi na nila muling papayagan na okupahin ng mga ito ang ilang pang pabahay ng gobyerno na nakalaan para sa mga pulis at sundalo katulad ng ginawa nila sa Pandi Bulacan.


Babala pa ni Albayalde aarestuhin nila ang sinumang magpumulit na pasukin o tirahan ang isang bahay na may nag-mamay-ari na.
Matatandaang kahapon, aabot sa 500 miyembro ng Kadamay ang lumusob sa pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal pero napaalis rin ng mga rumespondeng pulis

Facebook Comments