TUTUTOK SA MGA AKSIDENTE | Paglikha ng National Transportation Safety Board, muling iginiit ni Senator Poe

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Committee on Public Service
Chairperson Senator Grace Poe ang pagbuo ng National Transportation Safety
Board o NTSB na siyang tututok sa mga aksidente sa sektor ng transportation.

Ito ay kasunod ng malagim na aksidete ng Dimple Star Bus sa Mindoro kung
saan 20 na ang nasawi.

Nagpaabot na ng pakiki-dalamhati si Senator Poe sa mga biktima kasabay ang
pagkalampag sa mga kinauukulang ahensya, at operator ng bus na tiyaking
matutugunan ang pangangailangan ng mga ito.


Ayon kay Senator Poe, kailangan ang NTSB para pag-aralang mabuti ang
dahilan ng mga aksidente at hanapan ito ng solusyon para hindi na ito
maulit.

Sasakupin aniya ng NTSB ang lahat ng mga aksidente sa mga lansangan, sa
karagatan at himpapawid.

Dagdag pa ni Poe, sa pamamagitan ng NTSB ay matitiyak din na ang bilyong
piso na kinikita ng Gobyerno sa car registration ay magagamit para mga
programang titiyak ng kaligtasan sa pagbiyahe.

Facebook Comments