Manila, Philippines – Kasunod ng pagiging stable ng inflation rate sa 6.7% para sa buwan ng Oktubre, sinabi ngayon ng economic team ng Pilipinas na umpisa na ito ng pagbaba ng inflation na nararamdaman sa bansa.
Partikular anila na tinututukan sa kasalukuyan ang pagpapababa ng presyo ng mga pagkain lalo na ang bigas dahil nananatili pa rin ito bilang isa sa major contributor sa inflation, kahit pa bumababa ang presyo nito.
Anila, mas pagiigtingin pa nila ang efforts at koordinasyon sa mga concerned government agencies para magtuloy – tuloy ang pagpapababa sa presyo ng mga bilihin.
Ang economic team ng Pilipinas ay ang pinagsamang pwersa ng Department of Finance, Department of Budget and Management at National Economic and Development Authority.