Manila, Philippines – Mas itutuon ngayon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff General Rey Leonardo Guerrero ang atensyon sa pagpapatupad ng mga plano at programa na makakatulong para labanan ang banta ng foreign and local terrorist at Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ito ay matapos na pormal ng pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa serbisyo ni General Guerrero sa AFP.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, na maliban sa pagtutok sa banta ng terorista ay may pagkakataon pa ang Chief of Staff sa pagpapa-angat ng kakayahan o kapabilidad ng MILITAR ngayong naaprubahan na ang kanyang pagseserbisyo sa AFP.
Si Guerrero ay nakatakda sanang magretiro sa December 17, 2017 para sa mandatory retirement age na 56 years old.
Pero dahil pinalawig ng Pangulo ang kanyang termino ng anim na buwan ay magsisilbi pa si Guerrero nang hanggang April 24, 2018 batay na rin sa umiiral na Republic Act No. 8186.