TUTUTUKAN | Task force, binuo para mag-imbestiga sa University President slay case

Manila, Philippines – Bumuo na ng special investigation task group ang Philippine National Police (PNP) na tututok sa kasong pagpatay sa presidente ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) na si Dr. Ricardo Rotoras.

Sa paunang imbestigasyon, galing Christmas party si Rotoras at inabangan siya ng mga salarin malapit sa kanyang bahay saka pinagbabaril.

Inaalam kung nahagip ng CCTV ang pamamaril.


Kinondena na ng Commission on Higher Education (CHED) ang nangyaring pamamaslang.

Facebook Comments