TWG ng Task Force Iranun binigyang pagkilala

Binigyang pagkilala ng Iranun Inter-Agency Task Force ang lahat ng kanilang mga myembro ng Technical Working Group ngayong araw sa Camp Iranun, Barira Maguindanao.

Pinangunahan ng limang Chairman ng IIATF na kinabibilangan nina 603rd Brigade Commander BGen Jesus Sarsagat, mga alkalde na sina Buldon Mayor Abolais Manalao, Barira Mayor Abdulradzak Tomawis, Matanog Mayor Mohammad Ali Guro at Parang Mayor Ibrahim Ibay ang paggawad ng pagkilala sa pambihirang naiambag ng lahat ng hepe ng kapulisan ng Iranun Towns, mga MPDC, DRMMO at mga Admin Officer.

Sinasabing naging matagumpay ang programa ng Task Force Iranun dahil sa tulong at walang kapagurang suporta ng mga ito sa Peace and Security, Development Support, Anti -Illegal Drugs Environmental Protection and Disaster Response.


Kinilala rin ang mga mga inisyatiba nina 1st Lt Dave Mago, Commanding Officer ng Alpha Company ng 37th IB, 1st Lt. Beljun Ray Tulod, CO ng Bravo Company ng 37th IB, Cpt Jerry Gaviola CMO Officer ng 37th IB at si 37th IB Commanding Officer Lt. Florencio Pulitod Jr.

Kaugnay nito , maliban sa pinasalamatan ang mga inisyatiba ng mga nabanggit na indibidwal hinamon ngayon ng IIATF na ipagpatuloy ang mga nasimulang programa para sa ikakaunlad pa ng Iranun Towns.

Facebook Comments