City Vet patuloy na manghuhuli ng asong gala

Patuloy pa rin ang paghuli ng mga opisyal ng City Veterenary Office sa mga asong gala sa lungsod ng Cotabato.

Isinasagawa nila ang paghuli ng mga asong gala araw-araw at naka pokus ito sa mga pangunahing lugar tulad ng Sinsuat Avenue, Downtown, Cathedral, Parang Road, Almonte at Pantalan.

Ayon kay Dr. Robert R. Malcontento, City Veterenarian mahigit 258 na ang nahuhuling asong gala at dalawampo naman ang mga asong nakuha sakanila na may multa na 250 pesos bawat aso at paglipas ng limang araw mayroong dagdag na multa na 50 pesos sa mga nahuli sa pagkuha ng kani-kanilang alagang aso.


Makalipas ang sampung araw na palugit nito, ang mga piling aso na matatanda at may sakit ay ang mga pangunahing target nila para patayin ayon sa batas na kanilang sinusunod. (Amyrra Chielzy Rahmani, NDU BaCom3)
Google Pic

Facebook Comments