TWG, para pag-aralan ang posibilidad na paggamit ng motorsiklo bilang uri ng public transportation, binuo

Manila, Philippines – Bumuo ang Department of Transportation (DOTr) ng Technical Working Group o TWG na tututok sa paggamit ng mga motorsiklo bilang public transportation.

Ito ay sa kabila ng pagpapatupad ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa operasyon ng motorcycle hailing service na Angkas.

Kabilang sa mga inatasan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ay ang sangay ng mga mambabatas, Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police – High Patrol Group (PNP-HPG), Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pang public at private sector.


Nakatakdang magpulong ang mga ito para sa posibleng pagtatakda ng mga panuntunan sa kanilang operasyon.

Layunin din ng TWG na alamin ang posibleng solusyon sa usapin alinsunod sa batas lalo at kalakip nito ang kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments