Inihayag ng social media giant na Twitter Inc. na darating na sa mga susunod na linggo ang matagal nang inaabangang edit button sa kanilang platform.
Ngunit una muna itong mararanasan ng kanilang mga paid subscribers na nagbabayad ng 4.99 US dollars para sa Twitter Blue.
Dahil dito, maaari nang ma-edit o mabago ang tweet ng isang user ng ilang beses sa loob ng 30 minutes matapos itong ipinost.
Mababatid na ilang taon nang nag-dedemand ang mga Twitter user ng edit button para mabago ang ilang typographical errors sa kanilang tweet.
Mababatid na ilang taon nang iniaalok ito ng kanilang mga kakumpitensya tulad ng Facebook, Instagram, Reddit at Pinterest.
Facebook Comments