Twitter post ni Bituin Escalante, viral!

Viral ngayon ang singer na si Bituin Escalante matapos mag-post sa kanyang Twitter account ng komento sa isang reality TV singing contest.

Sa post ng batikang singer, sinabi niya na kung sasali siya sa nasabing TV show, tanging kay Regine Velasquez-Alcasid lang siya makakapasa at hindi sa ilang mga judges.

READ HERE: https://twitter.com/gobituin/status/1135707526031241216


Pero ok lang naman daw kanya yun.

Marami naman ang nag-agree sa pahayag ni Bituin lalo na at marami daw singer na magagaling kumanta ang hindi nakakapasa sa panlasa ng tatlong judges.

Hindi daw kasi marunong ang mga ito na magkomento ng tama at pumili ng karapat-dapat na contestant.

Photo Courtesy: Idol Philippines//YouTube

Bukod kay Regine, hurado rin sa nasabing reality show sina Vice Ganda, James Reid at Moira Dela Torre.

Si Bituin ay unang itinanghal bilang Rose to Fame noong 2000.

Kilala rin siya bilang mainstay sa isang entertainment show maging sa teatro.

Facebook Comments