Two-year mandatory police at military training sa mga college at tech-voc students, inihain sa Senado

Isinusulong ni Senator Francis Tolentino ang pagkakaroon ng dalawang taong mandatory Basic Military and Police Training program para sa mga college student at sa mga kumukuha ng technical vocational courses sa lahat ng public at private educational institutions.

Sa Senate Bill 1565 na inihain ni Tolentino, lahat ng mga estudyanteng hindi sasailalim sa mandatory basic military and police training ay hindi makaka-graduate.

Papayagan namang ma-exempt o hindi sumailalim sa advanced military program ang mga estudyante na physically o psychologically unfit, varsity players, at iba pang may balidong rason na sertipikado ng mga awtoridad.


Maglalagay naman ng safeguard laban sa anumang pinagbabawal na gawain gaya ng hazing, physical, sexual o psychological abuse, emotional maltreatment, bribery, korapsyon, at iba pa.

Paliwanag ni Tolentino, layon ng panukalang ito na paigtingin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pangangailangan ng bansa sa human resources sa oras ng giyera, kalamidad, sakuna, at national emergencies.

Umaasa rin ang senador na sa pamamagitan nito ay mabubuhay ang pagmamahal sa bayan at sa kapwa ng ating mga kabataan.

Facebook Comments