TNVs, hinimok na magdagdag ng mga sasakyan ngayong Pasko

Hinimok ng Department of Transportation (DOTr) ang Transportation Network Vehicles (TNVs) na dagdagan ang supply ng land-based na transportasyon para sa mga darating na balikbayan mula sa iba’t ibang bansa.

Patuloy rin kasing dumadagsa ang Pinoy balikbayans na umuuwi sa kani-kanilang mga probinsiya para doon mag-Pasko.

Layon din nito na matugunan ang mga kakulangan sa mga bus at sa mga taxi sa Metro Manila.


Hinimok din ng DOTr ang TNVs na palawigin ang oras ng kanilang mga biyahe lalo na ngayong gabi kung saan inaasahang bubuhos ang mga pasahero.

Facebook Comments