Tyansa na makapasok sa bansa ang nosebleed fever virus, maliit lamang – DOH

Hindi dapat maalarma ang publiko hinggil sa Crimean-Congo hemorrhagic fever o nosebleed fever virus.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na base sa pag-aaral ng mga infectious disease expert na very low ang risk para sa atin na makapasok ang naturang virus.

Magkagayunman, kinakailangan pa rin itong paghandaan at patuloy na sumunod sa minimum public health standards ang publiko tulad ng mga pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.


Paliwanag pa ni Vergeire, ang transmission ng nosebleed fever virus ay sa pamamagitan ng ticks o parang kuto at maaari itong makuha via human-to-human o mula sa hayop at maipapasa ito sa tao.

Sa ngayon, laganap ang virus sa Middle East at Africa.

Ang Crimean–Congo hemorrhagic fever ay isang viral diseas na ang sintomas ay lagnat, muscle pains, headache, vomiting, diarrhea, at bleeding kung saan maaaring mauwi sa liver failure ang komplikasyon.

Facebook Comments