Typhoon Jenny, napanatili ang lakas; Signal No. 3, nakataas sa Itbayat, Batanes

Napanatili ng Typhoon “Jenny” ang lakas nito habang nasa katubigan sa silangan hilagang-silangan ng Batanes Province.

Huling namataan ang bagyo sa layong 305 kilometers Silangan Hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito sa pa-Hilaga Hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 155 km/h at pagbugsong 190 km/h.


Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa northern portion ng Batanes (Itbayat).

Habang Signal No. 2 sa natitira pang bahagi ng probinsya.

At Signal No. 1 sa Cagayan kabilanga ng Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Isabela (Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Divilacan), Apayao, northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), northern portion ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), at Ilocos Norte.

Pinalalakas din ng Typhoon Jenny ang hanging habagat na magdadala ng mabugsong panahon ngayong araw sa southern portion ng Aurora, Bataan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Kalayaan Islands, Romblon, CALABARZON at ilang bahagi ng Bicol Region.

Facebook Comments