Typhoon Jolina, Nagbabanta sa Isabela at Cagayan

Naka alerto ngayon ang PDRRMC ng Cagayan at Isabela kaugnay ng bagyong Jolina matapos isailalim ang dalawang lalawigan sa public storm signal number 2 kasama pa ang mga ibang lugar magmula alas singko ng umaga, Agosto 25, 2017.

Ayon sa pinakahuling impormasyon mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bandang alas otso ng umaga ng Agosto 25, 2017, ang bagyong Jolina na may internasyunal name na PAKHAR ay napanatili ang kanyang lakas at patuloy na tinatahak ang direksiyon ng Isabela-Aurora area. Magdadala ito ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa 400 na kilometro palibot mula sa mata ng bagyo.

Innaasahang babangga ito sa lupa mamayang gabi sa pagitan ng Isabela at Aurora na nakakaranas ngayon ng pag ulan. Dadanas din ng katamtamang pag ulan ang malaking bahagi ng Luzon sanhi ng bagyong ito.


Dahil dito ay nagdeklara na ng kawalang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Isabela si Governor Faustino Dy lll samantalang Idineklara naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba na walang pasok sa pre-school hanggang senior high school sa buong Cagayan kapwa sa pampubliko at pribadong eskwelahan dahil na rin sa banta ng bagyong Jolina.

Isa sa mga minamanmanan ngayon ng Cagayan at Isabela PDRRMC ang sitwasyon ng Magat Dam at Cagayan River na siyang nagdudulot kung minsan ng pagbaha kada nagkakaroon ng tuloy tuloy na pag ulan sa rehiyon.

Facebook Comments