Typhoon Ursula, napanatili ang lakas habang nasa West Philippine Sea, tropical cyclone wind signal, inalis na sa ilang lugar sa bansa

 

 

Napanatili ng bagyong Ursula ang lakas nito habang nasa West Philippine Sea.

 

Huli itong namataan sa layong 300 kilometro ng hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

 

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometer per hour malapit sa gitna at may pagbugsong 150 kph.


 

Patuloy itong kumikilos sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

 

Bagama’t wala ng nakataas na tropical cyclone wind signal, makakaranas pa rin ng katamtaman hanggang sa may kalakasang pag-ulan ang Lubang Island at northern portion ng Palawan kasama na ang Calamian Islands.

 

Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang iiral sa Zambales, Bataan, at sa natitirang bahagi ng Palawan.

 

Nakataas pa rin ang gale warning sa northern at western seaboards ng Northern Luzon kaya pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakyan pandagat na huwag munang pumalaot.

 

Inaasahaan namang tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa sabado, Disyembre 28 ng umaga.

 

Ang araw ay lumubog kaninang alas-5:34 ng hapon at muling sisikat bukas ng alas-6:18 ng umaga.

Facebook Comments