Humina ang bagyong binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang typhoon na may international name na “Wutip” ay huling namataan sa layong 1,985 kilometers silangan ng Central Luzon,
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers per hour at pagbugsong nasa 210 kph.
Mabagal pa rin ang pagkilos nito sa direksyong hilagang kanluran.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – inaasahang papasok ito sa PAR bukas.
Sa ngayon, mananatiling maaliwalas ang panahon sa halos buong bansa bunsod ng hanging amihan.
Facebook Comments