Lumakas pa ang binabantayang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang typhoon na may international name na “Wutip” namataan sa layong 1,830 kilometers silangan ng Southern Luzon.
Mayroon na itong lakas ng hanging nasa 190 kilometers per hour at pagbugsong nasa 235 kph.
Mabagal pa rin ang kilos nito sa direksyong hilagang kanluran.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – posibleng sa Huwebes ay pumasok ito sa bisinidad ng bansa.
Wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa at tanging hanging amihan ang nakakaapekto sa halos buong bansa.
Mananatili rin ang maayos at maaliwalas na panahon sa buong bansa maliban sa mga mahihinang ulan sa silangang bahagi ng Luzon.
Facebook Comments