VIRAL | Litrato ni Finance Spokesperson Paola Alvarez na hawak ang nawawalang mace ng Kamara, usap-usapan sa social media

313

Manila, Philippines – Trending sa social media ang litrato ng anak ni Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez na hawak ang nawawalang mace ng Kamara.

Sa instagram post ni Finance Spokesperson, Assistant Secretary Paola Alvarez, makikitang hawak niya ang simbolo ng kapangyarihan ng Kamara.

Nakalagay sa caption na siya ang tagapagbantay ng selyo o ‘keeper of the honorable seal’.

Matatandaang bago ang ikatlong SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagkaroon ng tensyon sa Mababang Kapulungan dahil wala ang mace nang manumpa si Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker.

Facebook Comments