Amerika – Magtatayo ang U.S. Central Intelligence Agency (CIA) ng Korea Mission Center na tututok sa pakikipag-deal sa nuclear at ballistic missile programs ng North Korea.
Ayon kay CIA director Mike Pompeo, sesentro ang naturang center sa paglaban sa ang mga seryosong banta ng hilagang korea sa Amerika.
Ang naturang mission center ay pang ika-11 mission center na ng CIA kabilang na ang mission center for Africa, mission center for counter intelligence, mission center for counter terrorism, mission center for East Asia and Pacific, mission center for Europe and Eurasia, mission center for global issues, mission center for near east, mission center for south and central Asia, mission center for weapons and counter proliferation, mission center for western hemisphere.
Nabatid na nanatiling matensyon ang sitwasyon sa Korean peninsula sa pagitan ng Washington at Pyongyang.
Una nang nagsagawa ng mga serye missiles test at live fire drills ang NoKor bilang paggunita sa anibersaryo ng kapanganakan ng founding father na si Kim Il Sung.
DZXL558