Direktang inakusahan ngayon ng China ang Trump administration na gumagawa ng “economic terrorism”.
Ang akusasyon ng China ay may kaugnayan pa rin ng lumalalang words war nila ng US at trade tension.
Ayon kay Ministry of Foreign Affairs Spokesperson Lu Kang, ang White House ay nagdala ng malaking pinsala sa ekonomiya ng ibang bansa, maging sa Amerika.
Inilarawan pa ni Lu ang trade policy ng Amerika bilang isang “typical economic terrorism, economic hegemonism at economic unilateralism.
May 15, nang lagdaan ng Trump administration ang pag-ban ng major Chinese companies sa Amerika.
Facebook Comments