U.S, naglabas ng travel advisory sa mga mamamayang nais magtungo sa Pilipinas

Naglabas ng travel advisory ang Estados Unidos sa kanilang mga mamamayan na huwag munang magtungo sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa kanilang abiso, sinabi ng U.S Embassy sa Maynila na nag-isyu ng level 3 travel health notice ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) dahil sa mataas na tyansa na mahawa sila ng virus.

Paliwanag nila, sakaling magkasakit ang mga ito habang narito sa Pilipinas ay posibleng maging limitado ang resources kagaya ng mga pasilidad.


Sa ngayon, pumalo na sa 126,885 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa huling tala ng Department of Health (DOH) kahapon.

Facebook Comments