U.S., Nagtalaga na ng limang kompanya na tututok sa paggawa ng bakuna kontra COVID-19

Nagtalaga na ang Estados Unidos ng mga kompanyang gagawa ng gamot o bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa White House, binubuo ito ng mga kompanyang Pfizer, Johnsons & Johnsons, Merk & Co. Inc., Astrazeneca at Moderna Inc.

Inaasahang makakatanggap ng ayuda ang mga nasabing kompanya kabilang na ang financial aid na gagamitin sa kanilang isasagawang clinical trials.


Samantala, lumabas sa pag-aaral international researchers na mas madaling mamatay sa COVID-19 ang mga may high blood pressure.

Sa kanilang inilabas na ulat, mula sa 3,000 pasyente na ginamot sa Wuhan City, China ay 30% sa mga ito ang may high blood.

Facebook Comments