Opisyal nang sinuspinde ng United States government ang extradition treaty nito sa Hong Kong.
Base sa inilabas na pahayag ng US State Department, nababahala silang makakaapekto sa pagsasarili ng U.S. ang bagong National Security Law ng China.
Ilan sa mga kasunduang sususpindihin ay ang; pagpapasuko sa mga fugitive offenders, paglilipat ng mga taong may kinakaharap na kaso at reciprocal tax exemptions.
Sinabi rin ni US Secretary of State Mike Pompeo na isa sa dahilan ng pagkasuspinde ng mga kasunduan ay ang patuloy na pagkitil sa karapatan ng mga mamamayan sa Hong Kong.
Facebook Comments