Pormal nang kumalas ang Estados Unidos sa World Health Organization (WHO) base sa naging desisyon ni US President Donald Trump.
Ayon sa White House, nagpadala na sila ng mensahe kay United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres na aalis na sila sa WHO, epektibo sa Hulyo 6, 2021.
Matatandaang ilang beses na binatikos ni Trump ang WHO dahil sa pagbibigay ng special treatment sa China matapos tumangging magpadala kaagad ng investigating team para alamin ang pinagmulan ng COVID-19.
Iginiit din ni Trump na naging mabagal ang WHO sa pagtugon sa pandemya na naging dahilan ng pagkalat nito sa maraming mga bansa.
Facebook Comments