U.S President Donald Trump, kinondena ang ginawang pagpatay ng mga armadong lalaki sa mga kristiyano sa Eypt

World – Kinondena ngayon ni U.S. President Donald Trump ang ginawang pamamaril ng mga armadong lalaki sa Egypt na ikinamatay ng 28 katao.

Naniniwala si Trump na hindi nararapat na gawin ito sa mga kristiyanong biktima na napatay at karamihan ay mga kabataan dahil lamang sa masama at baluktot na paniniwala ng mga terorista.

Kasabay ng pagdalo ng Republican President sa G-7 meeting sa Sicily iginiit nito na kaisa siya kay Egyptian President Abdel-Fattah El-Sissi na nangakong magsasagawa ng strike sa mga training bases sa mga miyembro ng ISIS na siyang responsible sa mga pag-atake.


Sa panig naman ni El-Sissi ay sinabi nitong nagtitiwala siya kay Trump at sa abilidad nito na labanan ang global terror.

Ayon kay Trump ay dapat na pahalagahan at protektahan ang mga Christian communities sa Middle East at maparusahan ang mga nasa likod ng pag-atake kung saan nangako din ito na susugpuin ang mga teroristang grupo.

DZXL558

Facebook Comments