Iginiit ni U.S. President Donald Trump na may karapatan siya para magdeklara ng national emergency para magtayo ng border wall.
Ito ay sakaling hindi aprubahan ng U.S. Congress ang kanyang plano.
Ayon kay Trump – handa siyang magsulong ng emergency declaration kung sakaling hindi magkasundo ang republicans at democrats hinggil sa pagpopondo ng border wall.
Matatandaang hinimok ni Trump ang U.S. Congress na bigyan siya ng $5.7 billion para maitayo ang pader pero kung sa pamamagitan ng national emergency ay gagamitin niya ang military funds para rito.
Facebook Comments