Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na magsasagawa siya ng prime-time address at bibisitahin ang U.S.-Mexico border ngayong linggo.
Ito ay kasabay ng ika-17 araw ng partial federal government shutdown.
Hakbang ito ni Trump na nagpapakitang hindi siya aatras sa kanyang planong magtayo ng napakalaking pader sa border ng dalawang bansa.
Muling iginiit ni Trump na ang kawalan ng border wall ay magpapalala lamang ng illegal immigration at drug trafficking.
Nanindigan naman ang mga Democrats sa U.S. Congress na masyadong magastos ang pagpapatayo ng border wall at maituturing na ‘immoral’.
Facebook Comments